Halos karamihan ng matatagumpay na manlalaro sa ASEAN Games ay mga varsity players ng kanilang mga paaralan noong sila’y mga estudyante pa lamang. Isang patunay na hindi kailanman magkakahiwalay ang pag-aaral at ang paglalaro.
Hindi natin makakaila na may mga kaso kung saan ang buhay kolehiyo/hayskul ng isang atleta ay napapariwara dahil  sa labis na pagbibigay ng halaga sa paglalaro. Kaya marami ang nagsasabing hindi pwede  pagsabayin ang pag-aaral at pagiging isang atleta.

Bilang isang atleta, responsibilidad ang pagsipot sa mga takdang pag-eensayo. Ang mga pag-eensayong ito ay kadalasang nagsisimula matapos ang pasok sa hapon at magtatapos ng gabi. Ilang round ng laban ang kinakailangang gawin bago makauwi.
Sa halip na matulog na matapos ang nakaka pagod na pag-eensayo, ay kailangan pang pilitin ang sarili upang magbasa ng mga aralin o gumawa ng mga takdang aralin para sa susunod na araw. Minsan nga’y umaabot hanggang umaga ang paggawa ng proyekto kung kaya inantake ng antok at kawalan ng gana sa paaralan.
Tuwing pagod at walang gana, pagkain ang sandigan upang gumaan ang pakiramdam at bumuti ang kalusugan. Ngunit bilang isang atleta, hindi hawak ang desisyon sa pagpili ng mga pagkaing naisin kainin dahil kailangang sundin ang iyong diet. Kahit mga mapapait at hindi mo nais na pagkain ay kailangan mong kainin para maging malusog.
Sa kabilang dako, may mga panahon ring hindi mapaghihiwalay ang isports at ang akademiks. Sa paglalaro at pag-eensayo, nahaasa hindi lamang pisikal na kakayahan kundi pati ang paraan ng pag-iisip, pagiging postibio at pag hahanap ng solusyon sa maraming bagay.
Ang pagiging disiplinado, pursigido at determinado ng isang atleta sa kaniyang pag-eensayo at sa kaniyang laban ay nakikita rin sa pagiging isang estudyante. Patunay na rito ang pagiging disiplinado ng isang atleta sa pagsunod ng mga patakaran ng kaniyang laro na makikita rin sa pagigig disiplinado ng estudyante sa pag-pasa ng kaniyang mga proyekto sa takdang oras.
Hindi pwedeng lagyan ng barikada sa pagitan ng isports at ng akademiks. Kinakailangan lamang ng tamang disiplina sa sarili at tamang pag timbang ng oras at tuluyan ng makakamit ang homonisasyon ng isports at akademiks.

Ni: Christyl Jude A. Verano