Wikang Filipino, Tungo sa Kaunlaran

ni: Jhonmark D. Barruga
Nursery ES

Nakapagtataka bakit kaya nagkaganito

Sa wari ko’y salat sa pagpapahalaga sa wikang Filipino

Mga labi’t bibig bulol kung bigkasin ang mga titik nito

Mas Bihasa pa yata sa Wikang Banyaga ang ibang Pilipino.

 

Ating Tandaan, kaluluwa ng Bansa nasa sariling wika

Magigiting na Bayani ito ang ginamit na salita

Sa pakikipagpulong ito’y naging epektibong sandata

Na siyang humobog sa isang makasaysayang Bansa

 

Paggamit ng sariling wika sa paraang matalino

Pagtuunan ng pansin nang sa gayon ay matuto

Pagtahak sa landas at daang matuwid matatamo

Magkakaintindihan ang bawat mamamayang Pilipino

 

Kaya, paggamit ng wikang Filipino’y Paghusayin

Basahin ang mga tekstong Filipinong atin

Mga kaalaman dito paunlarin at pagyamanin

Nang sa gayon pagkakakilanlan tuluyang makamtan natin.